United States or Mongolia ? Vote for the TOP Country of the Week !
Fely ang wika ni Pako samahan mo nga silang magsayaw. At ang dalaga ay walang naitugon kundi isang matamis na ngiti lamang na nagpapahayag ng pagayon. Kaya sa tugtog ng isang malambing na "Waltz" ay sinaliwan nilang boong ayos.
Pinagkákalipumpunán nilá ang isáng malápad na papel na nakapakò sa dindíng at kinatititíkan ng salitâng programa. Sa ibabâ nitó ay ipinaaálam na ang sayáwan ay bubuoín ng labingánim na Waltz, labindalawáng two-steps at dalawáng rigodon. "Ano't may rigodon pa?" ang payamót na tanóng ng isáng naka-lana sa kanyáng kálapit "Que torpe! Anóng mahihitâ sa rigodon?... Walâ kundî.... kamáy.