United States or Saudi Arabia ? Vote for the TOP Country of the Week !
N~g matapos na ang bahaguing iyon n~g zarzuela na totoong pinagpurihanan, lumabas naman ang Príncipe Villardo, at hinahamon n~g away ang lahat n~g m~ga morong pumipiit sa canyang amá; pinagbabalaan sila n~g bayaning puputlan silang lahat n~g úlo, at ang m~ga ulong ito'y ipadadala sa buwan.
Hindî siyá nakikilala n~g bayan. ¡Abá! ang bigláng sinabi n~g isáng tagabukid; ¡isáng civil na nacasuot comediante! ¡Tangá! ang isinagót n~g canyáng calapit at siyá'y sinicó; ¡iyán ang principe Villardo na ating nakita cagabí sa teatro! Tumaas n~gâ ang calagayan n~g Alcalde sa m~ga matá n~g báyan at siyá'y ipinalagay na encantadong principe, na nácapanalo sa m~ga gigante. Nagpasimula ang misa.