United States or United Arab Emirates ? Vote for the TOP Country of the Week !


Ang may pagtataca sa aba'y matulad lalo sa pag auit nagtumiis puyat Verona, ang iyong catamisa't saclap sa dili-dili cong alin ma'y calangcap. Bati niyaring puso, Veronang mariquit, sa n~gayong na tapos sandaling ilaquip gauang sa talagang DILAG niyaring auit sa pagcat aco man cugcop n~g pag-ibig.

Pagayon ang lacad m~ga cabagayan, na tigmac n~g dugo sa capanahunang tumahac ang punong sa luha rin laan niyaring aauiting tula namay panglao. Sa umagang sicat n~g arao culimlim n~g muc-hang may lumbay anyo'y tiquis man din. humarap sa bago na acmang hilahil sa Veronang tila hinirang n~ga laguim.

Ang arao n~g anyong di na matitigan Palacio'y handa na sa cau-uculan, minulan ang dating n~g Conde't magulang ni Julieta't galing sa Veronang bayan. Sa busal n~g touang di cayang salitin niyaring dilang capos sa acmang gamitin, Julieta'y nabucsan sa tuluga't hambing bangcay nang malamig at hindi maguising.

Ang pagayong asal hapung pag-iisip nin~gas sa silacbo'y lalo pang malabis, sa isang lupaing binucalang batis n~g abáng sintahang dahil niyaring auit. Ito ang Veronang masanghayang ciudad na sa paniuala sa panahong tahac, Bartolome della Seala ang bansag, Principeng may puri sa tungcol malin~gap.

Ang cahit ano may hindi pinaquingan, mahigpit na baual n~g caniyang magulang, capag siya'y nasoc sa Veronang bayan, marahil magtamo n~g icamamatay Sa pagcat masuguid sa caniya'y pagsuboc caual n~g Principe, Verona'y naglibot, baca sacali n~gang man~gahas na masoc siya'y masasaui sa nalagdang utos;

Salita Ng Araw

nagpacahandusay

Ang iba ay Naghahanap