United States or Greenland ? Vote for the TOP Country of the Week !


Mulîng itinaás ng sukáb ang kánang kamáy; ¡dápwa't ang karawaldawal na náis ay di nagwagí!... Isáng sing-bilís ng kidlát ang noo'y namagitnâ, pumigil sa nakayambáng kamáy, at umágaw sa matúlis na patalím. Sa sumunód na sandalî, si Kapitang Memò ay nábulagtâ.

Lubháng naibigan n~g m~ga indio at lalong-lalò na n~g gobernadorcillo ang comediang tagalog: nagpakita n~g malaking catuwaan ang gobernadorcillo at sinasabi sa aming sáyang daw at hindi pinapakipag-away ang princesa sa gigante na sa canya'y umagaw, bagay na sa canyáng balac ay lalò sanang caguilaguilalas, at higuit pa, cung hindî mangyaring talban ang gigante cung di sa púsod lamang, na gaya baga n~g isang nagn~gan~galang Ferragús, ayon sa nababasa sa casaysayan n~g buhay n~g Doce Pares.

¡Labing-isang manggagawa sila na nahikayat n~g makamandag na dila ni Pablo! ¡Labing-isang bibig na may kinakain na ang umagaw pa sa dapat kanin n~g ibá! ¡Oh! Ang m~ga gahamang ito ay siyang dapat managót sa napakaraming aklasang natalo sa Pilipinas, at sa libolibong bibig na walang makain n~g m~ga asawa't anák n~g nagsisiaklás. ¡Lubha n~gang kanaisnais na ang m~ga ito'y mawala at malipol agad!

Ikaw marahil ay inupahan n~g taksíl na umagaw sa aking pagirog upang sumalansang sa aking han~gad at n~g maragdagan pa ang talagáng kapaitan n~g pagkabatid na naglilo sa kaniyang pan~gako ang babaying pinaglaanan n~g boong buhay. N~gayón ay inaantáy kong ibalita mo sa akin kung naganáp na ang kasal ni Benita kay kapitáng Ape. Ang pinuno n~g tulisán ay napan~giti sa salitáng iyón n~g kaharáp.

Ang kanyang mukha ay mistulang larawan ng lungkot, ang kanyang mga paningin ay binubukalan ng saganang luha, luha ng pananahimik sa kawalang-pagasa. Hindi na nga kaya niya palad si Leoning! Ilang mga sandali na lamang at ang kanyang Leoning ay haharap na sa dambana, na, magiging palad ni Daniel Perez, na siyang umagaw ng kanyang kapalaran.

At acó, ang sinabi namán n~g isáng babae, na umagaw n~g pananalita sa payát; ang asawa ni capitang Tinong ay napacaramot ... hanggá n~gayo'y hindi pa tayo pinadádalhan n~g anó mang hangdóg, gayóng tayo'y napaparoon na sa canyáng bahay. Tingnán ninyó, pagcá ang isáng maramot at macamcam ay nagbibitiw n~g isang handóg na isáng libong piso'y ... ¿N~guni't totoó ba iyán? ang tanóng n~g pingcáw.

Sa isang an~gat n~g ulo ay nanglilisik na naipako niya ang kanyang m~ga panin~gin sa mapagwaging anyo ni Teang sa piling ni Tirso; at wala siyang makitang anomang karapatang tinataglay n~g babaeng iyon upang umagaw n~g kaligayahan niya ... Si Teang ay isang babaeng kung kinasilawan man n~g paghan~ga ni Tirso ay nilimot na naman nito, at siya si Elsa ang sa wakas ay pinagsanglaan n~g lalong mahal na hiyas n~g puso at pinaghasikan n~g matimyas na punla n~g isang pagibig na wagas at dalisay.