United States or Mongolia ? Vote for the TOP Country of the Week !
¡Sa pagca't ipinag-uutos pô ninyó'y acó'y sumusunod! ang iniwacás ni Fr. Sibyla. ¡Aco'y hindî nag-uutos! ang itinutol n~g franciscano ¡aco'y hindî nag-uutos! Umuupô na sana si Fr. Sibylang hindî pinápansin ang m~ga pagtutol na iyón, n~g macasalubong n~g canyang m~ga matá ang m~ga matá n~g teniente.
Magagandá ang m~ga casangcapan, baga man marahil ay hindî maguinhawahang gamitin at nacasasamâ pa sa catawan: hindî n~gâ ang icaiilag sa sakít n~g canyáng m~ga inaanyayahan ang naiisip n~g may-arì, cung dî ang sariling pagmamarikít. ¡Tunay at cakilakilabot na bagay ang pag-iilaguín, datapowa't cayó namá'y umuúpô sa m~ga sillóng gawáng Europa, at hindî palaguing macacátagpò cayó n~g ganyán! itó marahil ang sinasabi niya sa canilá.