United States or Sierra Leone ? Vote for the TOP Country of the Week !
Tumiguìl ang capisanang iyón sa lalong pinacamalayò, at pinabayaang mag-patuloy na mag-isá ang matandáng lalaki. Isáng catawán n~g tao, na nacabitin sa isáng san~gá n~g puno n~g santól, ang marahang umúugoy sa hihip n~g mahinhíng amihan. Pinagmasdán siyáng sandalî n~g matandâ; nakita niyá ang m~ga paang nanínigas, ang m~ga bisig, ang may dumíng damít, ang ulong nacalun~gayn~gáy.
Tila mandin namámanglaw ang m~ga cáhoy, umúugoy ang m~ga gumagapang na m~ga damó at warí'y sinasabi: ¡Paalam cabatâan! ¡Paalam, panag-ínip na isáng áraw! At n~gayón, sa liwanag n~g mapupulá at malalakíng nin~gas n~g m~ga sigsíg; at sa tugtog n~g m~ga guitarra, bayaan natin siláng lumácad na patun~gó sa bayan.