United States or Micronesia ? Vote for the TOP Country of the Week !
Halos sa baua,t, fojas at sa baua,t, talata ay may mababasa roong man~ga sabing sinun~galing, man~ga udyoc na capangahasan, man~ga nacamumuhi,t, mahalay na iparin~gig sa man~ga tunay na cristiano, man~ga paglalapastan~gan sa man~ga cagalang-galang na Puno nang santa Iglesia at sa caramihang cristiano, man~ga pagsisiphayo sa Dios, man~ga camangman~ga,t, cahunghan~gang humihicayat sa pagcampi sa tacsil at sucab na si =Lutero= at sa iba pang man~ga ereje, man~ga aral na lubhang lihis at man~ga =erejíang= tunay; ano pa,t, hangan sa umuudyoc upang houag sampalatayanang may Dios . Ang lahat nang ito,i, pauang mababasa diyan sa tampalasang libro, at caya =baual= na basahin, at ang pagbasa noo,i, isang lubhang mabigat na casalanan.