United States or Syria ? Vote for the TOP Country of the Week !
Ang titig n~g isang Lucifer ang tumapon sa m~ga mata n~g isang may mukhang banayad. ¡Magnanakaw si ama! ¡Ang taong maninin~gil, n~g puri't kaligayahang nawalá'y mangloloob! ¡Ay anak ko! ang tan~ging nasambit n~g aking kaawaawang magulang n~g ako'y matanaw na umiiyak sa kaniyang piling. Ako'y napayakap sa katawan ni tatay na pigta sa dugo at nawalan n~g diwa.
Bakit namumugto iyang m~ga mata mo? Bakit ka umiiyak? ang sunod sunod na tanong n~g matanda pagka kita kay Delang. Maluat na di nakaimik ang ating binibini at pagkaraa'y sinabing: Nakagat po n~g langam ang sulok n~g mata ko. Huag mong pagkukusutin; tina tawag ka daw n~g nanay mo. Nagpa-alam ang ating binibini at tinun~go ang kanilang tahanan.