United States or Nigeria ? Vote for the TOP Country of the Week !
Tunay carampatan hindi nalilin~gid babayi pag tacot, sa lama't at dun~gis, n~g bubog na puri pagsuboc malabis sa minamarapat sa caniya may nais: Caya si Julieta n~g huli na't tatap sinta ni Romeo'y di licó at tapat, sa puso umali ang mapuring habag lalo n~g másilip sa ganitong hirap
Gaya ni Julieta anong isasagot cun di ang mamangha sa pag-hihimutoc, at saca ang luhang sa mata'y umagos casabay n~g uicang n~gayo'y di malagoc. Ang acalang lunas sa matagong simpan mamasdang ang anac sa puso'i may lumbay, sa ama'y umali lunos calangcutan sa pagcat ang tan~go di na maurun~gan.
Tan~ging paalaman ay hindi natapos ang sigao n~g tin~gin hangang nagcaabot at n~g maglayu na umali himutoc sa capoua n~ga dib-dib na halos sumabog; Hangang si Romeo'y sa bahay dumating at hangang humiga tila'y na sa tin~gin ang sa cay Julietang larauang butihin at boong binigcas uari dinig man din.