United States or Wallis and Futuna ? Vote for the TOP Country of the Week !
Ikasiyam na n~g umaga; subali't ang m~ga hinihintay nila ay di pa dumarating. Sa malaking pintuan n~g pagawaan, ang bawa't tao ó m~ga taong makita nilang lumabás at lumalabas, akala nila'y siya nang hinihintay nila, siyang Lupong sinugo nila ... N~guni't parating nabibigo, parating nawawalan n~g saysay ang kanilang m~ga hinuha. ¡Pagkatagaltagal...! ang ulit-ulit na nawiwika n~g marami.
¿Anó po ang nangyari? ¿Anó po ang kinasapitan? ang sabáy-sabáy na tanun~gan n~g marami. Wala; ang m~ga mamumuhunan ay ayaw na duminig sa daing nating lahat; sila ay nagpapakatigás ... ang tugón din n~g pan~gulo. Kung gayon, tayo'y magsiaklás. ang sigaw n~g isang manggagawa. ¡¡Magsiaklás...!! ¡¡Magsiaklás ...!! ang ulit-ulit na sigawan n~g marami.
Ó kabulagan at kahiklian ng isip! Ang unang kabanalan ay ang pagsunod sa matuid, anoman ang mangyari. "Gawá at hindí salitá ang hiling ko sa inyo" ani Cristo; "hindí anak ni ama ang nagsasabing ulit-ulit ama ko, ama ko, kundí ang nabubuhay alinsunod sa hiling ñg aking ama." Ang kabanalan ay walá sa pulpol na ilong, at ang kahalili ni Cristo'y di kilala sa halikang kamay.