United States or Estonia ? Vote for the TOP Country of the Week !
Capootan ang pag bibiroan, at nang di uicaing ualang pinag aralang mahal na asal. May maquiquita ca namang bahay nang namatayán, na diyan ca maca ririnig nang pag bibiroan nang babaye,t, lalaqui; diyan mo maririnig ang pag sasalita nang catatauanan na sinasabayán nang halac hacan. ¿Ano ang gagauin mo sa man~ga tauong ganito ang asal?
Ilagan ang catabilán, at ayon din ang catan~gahan. Houag maghihicáb ó magiinat, at nang di uicaing nayayamót, ó pinauaualang halagá ang causap. Sa pagbibiroan, ay houag bumigcás nang masaquit na sabi, na sucat damdamin nang causap. Ano pa n~ga,t, sa pagsasalita,i, angquinin yaong refran na caraniuang sabihin: ang masama sa iyo,i, houag mong gauin sa capua mo tauo .
Cun nangaanyaya sa pagcain ang may piguing, ay houag magpapauna sa lahat, nang houag uicaing salangapang n~guni,t, masama rin naman ang pinagcacahirapang anyayahang, sapagca,t, quinayayamotan.
Huag ituturo nang daliri ang quinacausap; at cun sacali,t, matandá, guinoó ó mahal, ay houag iparis sa iba, at uicaing casintandá mo ó casing taas mo.