United States or Peru ? Vote for the TOP Country of the Week !


Si Elsa n~ga ay mamamalagi pang dalaga, hiyas na maningning na gaya n~g dati'y palamuting ayok sa bawa't kilusan n~g kabinataan; sariwang bulaklak na naghahalimuyak n~g sanghaya sa halamanan n~g pagibig, na ang m~ga talulot ay mapan~gan~gayupapaan n~g bawa't paroparong uhaw sa luwalhati....

Ang mga tanawin ay sadyang, nakasasabik pagmalasin na para bang ang isang bayang may sapot na ulap ng pagkabusabus ay di pinakikitaan sa mula't mula pa ng kalikasan ng ganito. Waring ang lahat ay tulad ng bulaklak na sariwang nagkakasiya sa patak ng hamog ng isang gabing yaong lipos ng tulain at pangarap sa mga pusong uhaw sa katamisan ng malayang buhay.

Bulaklak na uhaw sa patak ng hamog sa kaumagahan at anyung nalalanta; kampupot na ang kabanguhan ay humahalimuyak nguni't ang kasariwaan ay waring naluluoy na, katulad ng isang talang untiunting tinatakasan ng liwanag, ganyan, ganyan ngayon ang kaparis ni Leoning. Ang kanyang puso ay waring may subyang. Nangungulilang lubos sa mga kaaliwan sa buhay.

Aking hinahanap anang matanda ang panig na aking tinutuklasan n~g pampawing uhaw. Sa tuwing hapon ang dugtong kung sumasapit ang ikatlong oras ay pinagkakalooban ako n~g Makapangyarihan na makásimsím n~g pampawing uhaw. At saan ka naman kukuha n~g maiinóm sa kadawagang ito, na kinaigahan n~g tubig at kinaitan n~g kanyang balong?

Busugin sa layaw ang uhaw sa iyong aking kabuhayan, sa m~ga labi mo, ako'y nauuhaw, sa m~ga pisn~gi mo, ako'y mabubuhay. Kung marun~gisan ka n~g aking pagibig ay pagibig ko rin ang siyang lilinis, at kung nahawa ka sa taglay kong hapis, hapis mo't hapis ko ay magiging lan~git. = Sa abo babangon =...

Ang mga puso ay katulad ng mga bulaklak. Ang pusong umiibig na uhaw sa lingap ng kanyang paraluman ay pusong uhaw sa biyaya ng kanyang langit na katulad ng mga bulaklak na waring nakangiti sa bawa't patak ng sariwang hamog. Katulad ng mga dahon ng kahoy na anyung nalalaing na sa patak ng hamog ay pamuling nananariwa, na, tulad ng isang pusong nauuhaw naman sa katamisan ng ngiti ng dalaga.

Apat kataong nagkaisá n~g ugali, at nan~gasawing mamuhay sa pamamag-itan n~g panghaharang, ang kasalukuyang tumatalaktak sa matutulis at nakakapasong batong maliliit na nan~gag-sambulat sa m~ga landasin; ang mainit na simoy n~g katanghalian ay tumutupok sa kanilang m~ga noó at nagparamdam n~g malaking kauhawan; datapwa't ang kanugnog na yaon n~g m~ga lupalop na di sinasapit n~g may matahimik na kabuhayan, ay di sinibulan n~g tubig; doo'y walang m~ga bukal, walang batisan, at walang ano mang pampawing uhaw na matutuklas; kaya't ang pagn~gan~galit ay siyang pinagbubuntuhan, kaayaw n~g pakikiayon, yamang wala namang ibang magawâ.

"Idalangin ang Katúbusan! ang Katúbusan ng isang Bayang laging nanglulumó ang puso sa hápis at uhaw sa tunay na ginhawa; ang katúbusan ng isang lahìng pinipilit ng walang karapatán sa isang kalagayang salungát sa kanyang ninanas

Sa kandungan mo ay bayaang mangarap ang puso kong uhaw sa hamog ng iyong pagmamahal. Eduardo ko! At hindi na natugon ang tawag na ito ni Leoning at sa kanyang mga labi ay isang halik ang naiganti ng binata. At ganap na naghari ang katahimikan. Sa bisig ni Eduardo ay waring naghehele si Leoning, nangangarap, nalulugod ang puso.

Ñgayong tumugon kayo sa uhaw naming sigaw ñg ikagagaling ñg bayan; ñgayong nagpakita kayo ñg mabuting halimbawa sa kapuá dalagang nagnanasang paris ninyong mamulat ang mata at mahañgo sa pagkalugamí, sumisigla ang aming pag-asa, inaaglahì ang sakuná, sa pagka at kayo'y katulong na namin, panatag ang loob sapagtatagumpay.

Salita Ng Araw

nagpacahandusay

Ang iba ay Naghahanap