United States or Saint Martin ? Vote for the TOP Country of the Week !


Ang tauong inarauan nang malauon, ay hindi matiis niya ang saquit nang ulo; ang balat ay mainit at tuyo; ang mata ay tuyo rin, at namumula. Cun minsan hindi macamulat, at hindi macatin~gin sa maliuanag; mayroong hindi macatulog; mayroong hilim na parati, at touing maguiguising ay ga naguiguitla.

Cun ang lagnat ay malaquing totoo pati nang saquit nang ulo; cun ang muc-ha,i, mapula, at ang pulso,i, matigas at puno, at bucod dito nag-uubo ang maysaquit, ó cun ang pulso ay matigas din nang mauauala ang lagnat, at ang dila,i, tuyo, ay cailan~gang sangrahan ang maysaquit, at paiinumin nang marami noong bilin sa número 3.

Cun ang pulso,i, matigas ó malambot . Cun siya,i, malacas ó cun mahina na. Cun siya,i, parating higa, ó cun nacacaban~gon. Cun nag-iibang parati ang caniyang pagcaramdam. Cun siya,i, tahimic ó cun hindi mapalagay. Cun siya,i, naguiguinao ó hindi. Cun ang balat ay tuyo,t, mainit. Cun ang balat nang cataua,i, namumula, ó namumutla, ó dilao, ó morado.

Cun sungmasaquit ang ulo, ang lalamunan, ang dibdib, ang sicmura, ang tiyan, ang bay-auang, ó cun alin ang masaquit, at alin ang lalong masaquit. Cun sungmasaquit pa mandin cun hipoan. Cun ang dila nang maysaquit ay maputi, ó marumi, ó tuyo. Cun nauuhao siya. Cun mapait ang bibig. Cun dungmuroual, ó sungmusuca, ó nananab-ang nang pagcain ó cun ibig niyang cumain. Cun nauunat ang tiyan.

Ang damit nang hihigan touing icalauang arao ay papaltan nang ibang damit na malinis at tuyo. Sa nan~gagcacasaquit nang ganitong saquit ay bihirang-bihira ang cailan~gang sangrahan. Gayon din ang pagsumpit, ay hindi rin cailan~gan sa saquit na ito; bagcus macacasama cun minsan.

Itong pamamaga nang paa, ay nauauala siyang cusa cun malauon, capag nacuha ang totoong saquit na pinangali-n~gan noong pamamagang yaon. Datapoua cun ang may catauan ay lauon nang ualang saquit, at hindi mauala ang pamamaga nang paa, ay maigui ang siya,i, lumacad na parati. Cuscusin ang paa nang isang basahang tuyo,t, mainit, at bigquisan nang damit na maigting-igting.

Saca doon sa dacong icasiyam na arao nang caniyang pagcacasaquit hangan sa icalabing apat ay dinaraanan siya cun magcaminsan nang hirap na ilang oras calauon, at saca siya,i, nag-iilaguin ó ungmiihi nang marami, ó pinagpapauisan nang malaqui; ang bibig at ang ilong mula roon, ay hindi na totoong tuyo; nauauala naman ang uhao, at ang maysaquit ay malacas-lacas na at nacacatulog.

Nota Ang ugat nang bacong ay igagayac muna nang gayon: Ang ugat na bagong nahucay sa lupa, ay hinuhubdan nang man~ga unang balat na tila tuyo; ang malinis ipinapasoc sa horno, at iniluluto doon parang tinapay; saca inaalis doon, bago hiuain nang matalim na patpat na cauayan.

Palibhasa,i, hindi maquita ang naroroon sa loob nang catauan nang tauo, caya lamang nahahalata na mayroong saquit sa baga nang tauo, sapagca cun minsan naguiguinao ang maysaquit, at parating balisa na hindi mandin macatahan; saca ang humahalili sa guinao na yao,i, ang init, na may calahoc na siya,i, pinan~gin~gilabutan nang guinao; ang pulso,i, matulin, malacas, puno, matigas, at husay, cun hindi malalaqui ang saquit; cun malaqui ang saquit, ang pulso,i, munti malambot at gulo; dumaraying ang may catauan, na masaquit saquit ang isan~g cabilang dibdib; cun minsan ang uica niya, na anaqui mayroong siyang mabigat sa ibabao nang puso; cun minsan ang boong cataua,i, masaquit, at lalo pa ang bay-auang; hindi lumagay ang maysaquit cundi tihaya at bihirangbihira doon sa nagcacasaquit nang gayong saquit, ang nacacatahan nang pataguilid; nag-uubo ang may catauan cun minsan, na ualang inilulura; cun minsan dungmarahac na may dugong casama; mabig-at ang caniyang ulo; nasisira cun minsan ang bait; ang muc-ha,i, namumula at cun minsan hindi, bagcus nag-iiba sa dati, na cun gayo,i, mapan~ganib ang buhay nang maysaquit; ang man~ga labi, ang dila, ang n~galan~gala, pati nang balat ay tuyo; mainit ang hinin~ga; ang inaiihi niya ay caunti at mapula cun bago, cun malauo,i, marami at hindi lubhang mapula, at mayroong latac; nauuhao ang maysaquit at cun minsan ibig niyang sumuca; datapoua,t, hindi sucat big-yan nang pasuca, at mamamatay cun pasucahin.

Caya hindi pa siya gungmagaling-galing bagcus ang lagnat ay para nan~g dati; matulin ang pulso, at cun minsan mahina at malambot; datapoua,t, cun minsan nama,i, matigas, at ga nag-aalon-alon; ang paghin~ga ay mahirap; pinan~gin~gilabutan nang guinao na maminsanminsan; gab-i gab-i lungmalaqui ang lagnat; ang pisn~gi ay mapula; tuyo ang man~ga labi, at nauuhao ang maysaquit.

Salita Ng Araw

mahihiyá

Ang iba ay Naghahanap