United States or Finland ? Vote for the TOP Country of the Week !


Sa makatang Pascual de León Bulaklak, bulaklak, bulaklak sa bun~gad, Bulaklak sa gitna't sa dulo'y bulaklak, Ito'y halamanang mayaman sa lahat, Mayaman sa tamís, sa tuwa't pan~garap. Sa m~ga talulot nito'y sumusun~gaw Ang diwa n~g isang apó ni Baltazar, At sa m~ga dahong sariwa't makulay Ay napapatitik ang kanyang tagumpáy.

¡Ah, ninang! ang boong tuwa't pananabik na ibinati pagkakita sa hinanap, at pagdaka'y tinakbong niyakap at hinagkan sa kamay, ¡Anong himala't naparito tayong lahat! Walang kumibo sa m~ga kaharap. Lahat ay nasa panonood at pagtataka. Sa katotohanan, ang m~ga kilos ni Teang nang umagang iyon ay naging kapunapuna't malayo sa dati niyang asal.

Sa Aklat n~g Puso't Aklat n~g Paggiliw yaong abaniko'y may ibig sabihin, may sariling uri't sariling tuntunin may sariling layon at sariling lihim, sa Talatin~gigan n~g m~ga Damdamin ang wikang Pamaypay ay tuwa't hilahil, palad at tagumpay, at kung kukurui'y taga pamalita niyong bukas natin.

Nananalig akong napakadalisay n~g iyong pag-ibig sa ating suyuan, kaya't ang puso ko'y nagpapakatibay hanggang sa sumapit ang dakilang araw. Pagaaralan ko, hanggang makakaya na ikaw'y malagak sa tuwa't ginhawa, pagiin~gatan kong huwag kang magdusa kung na sa sa akin ang iyong ligaya.

Nasa sa iyo n~ga ang lahat n~g bagay, Ang ban~go, ang tamis, ang kasariwaan, Ang yumi, ang awit, ang uri, ang kulay Ang hamog, ang sinag, ang tuwa't ang buhay. Ikaw'y pagpalain, dalagang mapalad, Ang kagandahan mo'y aking ikakalat Sa silong n~g lan~git, sa Sangmaliwanag. Kung may naghahanap sa bukang liwayway Sa kabataan mo ay matatagpuan, ¡Di ko malilimot ang ganda mong iyan!

N~gayo'y pamuli pang umaawit-awit sa dilag mong kimkim, gandang maka-Lan~git, kung may alinlan~gan sa taghoy, sa hibik, ay maging saksi pa ang aking hinagpis . Aninong malungkot noong kahirapan ang buhay n~g tao sa Sangsinukuban, ang tuwa't ligaya'y hinihiram lamang kaya't ulap waring dagling napaparam.

Isang pagtatapat: Sa lupang ibabaw ang palad n~g madla ay isang digmaan, ang iyong paglakad ay pakain~gata't ang buhay n~g tao'y panaginip lamang. Magsabi ang Lan~git kundi ikaw'y talang Nagbigay sa akin n~g tuwa't biyaya, Magsabi ang lahat kung hindi diwata Ikaw n~g lalo mang pihikang makata.

Salita Ng Araw

mahihiyá

Ang iba ay Naghahanap