United States or French Southern Territories ? Vote for the TOP Country of the Week !
N~guni't sa n~gayo'y isa namang paham na hapon, na tumutugon sa n~galang Tuse-kari, ay siyang naglathala n~g isang kaparaanan ó nagpapatibay n~g karunun~gan napuputi sa kalihiman n~g pagiisip, upang magamit ito sa bawa't ibigin ukol sa gawang mabuti, lalô na sa ikagiginhawa.
Ang "Pagiisip" san~gayon kay Tuse-Kari, ay makakamtan ang lahat n~g bawa't ibigin n~g tao na matatamo niya, sa kabuhayan sukat na gamitin lamang ang pagiisip sa boong lakas na ankin. Ang sabi niya'y ganito: ¿Kayo baga'y may dinaranas na sama sa kabuhayan ó may dinaramdam kayong sakit? Ang dapat gawin ang turô niya isipin ang pagbalikuas ó ang paggaling sa tuwî na, at sukat, upang umigi sa sakit.