United States or Switzerland ? Vote for the TOP Country of the Week !


Cun mayroong aguardiente ó alac na matapang sa niyog ay maigui ibabad doon ang man~ga damit na pan~guscos. Mabuti namang ilapit lapit sa apoy ang tila patay cun guinagaua itong man~ga turo co n~gayon. Magaling ding ibaon hangan liig sa buhan~gin cun baga mainit ang arao.

Magui ring lahiran nang dagta nang argémone na yao,i, damong sungmisibol sa man~ga patio nang simbahan nang Maalat pati sa Tondo; ang bulaclac noon ay malaqui,t, madilao; ang catauan pati nang bun~ga sampon nang dahon ay matinic; ang dagta noon ay madilao. Ito,i, turo ni Linneo. Ang gamot sa masaquit ang tayin~ga.

Ang tanóng na ito ay naging sanhî n~g isang timpalak sa Estados Unidos, at ang sumusunod na sagot, ay siyang pinalad na nagtamó n~g pan~gunang ganting pala, at ito: "Bigyan n~g mabuting turò na pagkilala sa Diyos at matipunong kaalaman sa mabuting kaugalian. Turûan pagkatapos na matutong manahî, maglabá, mamalantsa, maglutò't ibp.

Cun baga may catigasan ang pulso, ó may cainitan ang dugo, sinasangrahan ang maysaquit. Saca binibig-yan nang bilin sa número 3. Sinusumpit naman ayon sa turo doon din sa capítulo nang lagnat sa buloc ó lagnat nang apdo. Pagca naalaman nang totoo na uala nang catigasan ang pulso, cundí malambot na, pinaiinom nang bilin sa número 34 at cun ualang mapagquitaan nito, na-aari ang sa número 35.

Maigui rin ang tapal nang cicuta, na cun bibilhin sa botica, ang hihin~gin doo,i, emplasto de cicuta. N~guni madali namang itapal ang isang caputol na dahon nang talampunay na yaon ay casing galing nang cicuta, ayon sa turo ni Linneo. Ang cicutang tuyo ay isisilid sa isang unan, ó supot na munti; saca lulutuing sumandaling oras calauon sa tubig, bago pigain at itapal.

Ang iinumin niyang parati ay ang turo sa número 1 ó 2; at touing icatlong arao pupurgahin nang bilin sa número 47. Datapoua cun yaong saquit ay sungmusunod sa lagnat na pan~giqui, ó sa ibang saquit na malaqui, ang may cataua,i, pupurgahin nang malimit nang bilin sa número 47, at paiinumin nang sa número 3.

Ang man~ga pasa ay hindi sucat hiuain, sapagca cun gauin ang man~ga turo sa itaas, ay siyang cusang mauauala. Ang maigui namang gauin nang tauong masipag mag-alaga sa caniyang catauan ay gayon.

Cun baga magaling man ang may catauan, may natitira pang caunting masaquit sa tiyan ó sa sicmura, ay hindi sucat hamaquing pabayaan, at caalamalam ay sisibulan nang bucol sa loob; caya ang gagauin doo,i, itutuloy yaon ding man~ga turo cong gamot sa párrafong ito, hangang sa uala nang maramdamang ano man ang maysaquit.

Cun tila maitim yaong sungmisin~gao sa bibig, at yao,i, casama nang ibang saquit, ó lagnat na malaqui, lalo na cun mahirap ang pacaramdan nang may saquit na parating nagsisin-oc, at dungmoroal, at hindi lumagay, ay painumin arao-arao nang timbang saicapat ó cahati nang bilin sa número 14; at ang caniyang ipagmumumog ay ang turo sa número 76.

Maraming bata ang namamatay dahilan doon; at bago mamatay dinaraanan nang pag-iilaguing masama,t, totoong baho. Pagca gayon, ay gagauin ang man~ga turo sa parrafo 46, yaon lamang tatlong bagay na sinabi roon, sa macatouid ang polvos número 14, ang gatas, at ang pagsacay ó ang paglacad.