United States or Burkina Faso ? Vote for the TOP Country of the Week !
Pinagmasdán niyá ang canyáng malalakíng bísig, guinamit ang tan~ging pasiyáng nálalabi at nagpasimulâ n~g pagsagwán n~g boong lacás niyá, na ang tumpá'y sa dacong pulô n~g Talim. Samantala'y sumusun~gaw ang araw. Dumúdulas sa túbig ang bangcâ n~g totoong matúlin; nakita ni Elías, sa ibabaw n~g falúa, na pumípihit, ang ilang taong nacatindíg, na siyá'y kinácawayan.