United States or Papua New Guinea ? Vote for the TOP Country of the Week !
Dito napahiyao sa malaquing hapis ang morong may áua,t, lúha,i, tumaguistís, siyang itinugón sa uicang narin~gig at sa panglolomo,i, cusang napahilig. Ano pa,t, capoua hindi macaquibô dî nanga-calaban sa damdam ng púsò parang ualáng malay, hangang sa magtágo,t, humilig si Febo sa hihigáng guintô.
Ang lahat ng toua,i, natapos sa aquin, sampô niyaring búhay ay naguing hilahil, amá co,i, hindî na malaong hihintín aco,i, sa payapang baya,i, yayacapin. Sandaling tumiguil itóng nananangis, binig-yáng panahón lúha,i, tumaguistís niyaóng na aauang morong naquiquinyig, sa habág ay halos mag putóc ang dîbdib.
Salita Ng Araw