United States or Brunei ? Vote for the TOP Country of the Week !
Biglâng tumígil ang pinunò sa kanyang inalakad-lákad; hinaráp si Gerardo at di magkantutúto sa pagsigaw ng: "Pu pu pués, may katwíran silá! May katwiran siláng magingat; at, at, at, ¿kung sila nga nama'y barilin? Hindi ba't ikaw rin ang may sabing karapatan ng isang tao ang itaguyod ang saríling búhay?"
Tumigíl ang tibók ng pusò; napútol ang galáw ng ísip; pumaitaás ang kálulwa, úpang kailán ma'y huwag nang magbalík. Walâng naíwan kundî isáng bangkáy, isáng ngalan, isáng halimbaw