United States or Morocco ? Vote for the TOP Country of the Week !


Datapoua paiinumin nang bilin sa número 8, at pararapitan sa man~ga binti. Ang tauong tiniticdas ay cailan~gang mag-in~gat sa han~gin. Cun minsan dahilan sapagca uinaual-ang halaga ang pag-uubo na ugaling sumunod sa toco ó ticdas, na hindi guinamot nang husay, ay linalagnat ang maysaquit nang lagnat na hindi mangyaring mauala; at caya gayon ay mayroong sungmisibol sa baga.

Cun baga sa paglitao nang ticdas ó toco, ang maysaquit ay dinaraanan nang hirap na malaqui, ay gagamutin para nang turo doon sa párrafo 168, na siya rin ang guinagaua sa binubulutong.

Ang saquit na ticdas sa provincia nang Batan~gan ay toco, na ang tauag nang castila doo,i, sarampión. Bago ticdasin ó tocoin ang tauo ay nag-uubo siya muna nang ilang arao; itong pag-uubo ay ualang casamang lura.

Sa icapat ó icalimang arao, at cun minsan sa icatlo, ang muc-ha,i, linalabasan nang maraming totoong anaqui manchang mapupula, na ang cahalimbaua,i, pinagcagtan nang pulgas. Ang boong muc-ha ay namamaga naman tuloy; cun minsan ay nagsasara ang mata. Tungmutuloy ang pagsibol nang toco sa dibdib, sa licod, sa man~ga camay, sa hita at sa paa. Ang sa dibdib at ang sa licod ay marami.

Cun minsan, ang tiniticdas ay binabalin~goyn~goy, at nauauala tuloy ang saquit nang caniyang ulo, pati nang sa mata,t, lalamunan. Sa icatlo, ó icapat na arao nang macasibol ang toco, ay hindi na totoong mapula yaong man~ga pinacabutil, at nan~gatuyo-tuyo na, at nan~galalaglag na, pati nang balat nang catauan ay natutuyo rin, at nahuhulog, at iba ang hungmahalili doon.