United States or Netherlands ? Vote for the TOP Country of the Week !


¡Ano pa raw! ¡Tanun~gin mo si manang Magda, at siya ang nakatutop sa bayaning pari sa tulugang katre n~g kanyang anak na dalaga! ¡Martinez, kapag hindi mo napatunayan ang iyong sinasabi'y...! At biglang dinaluhong ni Tirso at ginagap sa dalawang balikat ang binatang iyong naparoon yata upang umaglahi n~g walang kasingsakit sa kanyang kapalaran.

Kung, mapagtalastas naman ni Tirso ang kanyang ginawa'y ¿hindi kaya, mabagot sa kanya? ¿Hindi kaya ikamuhi ang gayon niyang pangliliho, sa halip na siya'y lin~gapi't pakiayunan? ¿At ano ang wiwikain n~g kutsero kung makilala ang kanyang salamangka? Tila isang malaking escandalo na magbubun~ga n~g maalin~gasn~gas na salitaan sa lahat n~g dako ang ginawa niyang iyon, kapag nahiwatigan n~g kutsero.

Singkad na isang linggo ang nagdaang kay Tirso ay walang iniiwan kundi ang m~ga bakas n~g kalumbayang halos ikasaid n~g kanyang paniniwala sa kabanalan n~g kaluluwa n~g babaeng pinaguukulan niya n~g boong pagirog.

Sapagka't ... ibig ko sanang ipagpalagay n~gayon, kung tayo ay nasa alinman sa m~ga ilog na iyon, na ako ay si Balagtas at ... ikaw naman ang aking Selia. N~guni, Tirso, sa kasaysayan n~g Balagtas na iyan ay ¿nasasabi bang siya ay nagkaroon n~g dalawang Selia? Hindi. Kung gayon, kahi't makata ka, ay hindi mo maipagpapalagay na ikaw ay si Balagtas.

Nagumurong pa muna sa m~ga tabi n~g bakod na parang tumututol sa m~ga hampas na tinatanggap sa kutsero bago pumayag na bumalik n~g lakad at muling tumakbo. Nang makapihit ang sasakyan ni Dr. Nicandro at ni Martinez ay di na nila mapagsiya kung alin sa tatlong kalesang nagpapatulinan ang kina Tirso at Elsa.

Si Tirso ay malimit na tinitipan niya sa gayong m~ga paliligo sa magandang dagat, at sa kanilang pagtatagpo roo'y madalas silang nagtatamasa n~g kaligayahan sa pamamangka, sa pagtatampisaw sa tubig at pagtatapak pagkatapos sa mabanlik na baybaying hinahagkang lagi n~g mayamang simoy.

At si Elsa at si Tirso ay nagdaan pa n~ga muna sa Escolta na kaparis n~g balana.

Minsan, isang gabi, ay minarapat ni Tirso ang gumawi sa may pook nina Elsa, n~guni't hindi ang tangka'y manhik n~g bahay kundi mula sa palibidlibid n~g looban niyon ay pakimatyagan ang kalagayan n~g dalagang untiunting nagpupunla n~g balisa sa kanyang gunamgunam.

Sa pagkikita nilang dalawa noon, ay masasabing mabuti na rin ang nangyari, sapagka't bagaman sasandali at panakaw pa ang pagkakausap nilang lihim at sarilihan ay napagtalastas ni Tirso kay Elsa; na ang bagay na ipinagtipan nilang manonood n~g sine ay sa karnabal na paguusapan; na yao'y maluwag nang mabubunsod kaipala, yamang ang kapatid na lalaking pinan~gin~gilagan n~g dalaga ay nagtun~go sa Nueba Esiha at malamang na hindi mabalik kundi kung makaraan na ang nabanggit na karnabal; na ang binibili nina Elsa nang umagang iyon ay m~ga kayong gagawing balatkayo, at ang may kagustuhan niyon, bilang pinakapangaliw sa m~ga pan~gun~gulungkot na palagi ni Elsa, ay dili iba't ang kanyang hipag na si Dioni.

Si Dioni naman, kaya napapamata, sa hipag at walang isinasagot kundi tatawatawa lamang, ang totoo'y hindi pala nakauunawa sa ibig sabihin n~g "himalang" binanggit n~g mestisa. Maalaala ko pala'y matagaltagal nang hindi ko nababalitaan kung saan naroon ang Teang na iyan, ang tan~ging nasabi ni Dioni. ¿Saan n~ga ba naroon? ang di napigilang itinanong din ni Tirso na nadadala yata n~g pananabik.