United States or Bahamas ? Vote for the TOP Country of the Week !


Ako po'y ... Tia, ¿hindi ba kayo nagagalit? ¡Lokang bata ito!... Ako po ay ... ako po'y ... nagasawa na. ¿Nagasawa ka? Opo, tia.... ¿Nalalaman n~g kuyang mo? Hindi n~ga po eh.... ¿At nagtanan ka? Opo. ¿Kanino ka nagasawa? Sa isa pong lalaking malaon ko nang katipan.... ¿Pangalan? Tirso ... ¿Apelyido? Silveira po. ¡Tirso Silveira! Ang matanda ay saglit na nagtun~go n~g tin~gin sa ibaba at nagisip.

Nicandro ang isang munting mesa na nasa isang dulo n~g tindahang iyon n~g sarisaring alak, n~g sa isipan nila'y walang namumugad kundi ang larawan ni Elsa at ni Tirso na magkapiling n~g boong laya, sa loob n~g isang kalesang aywan nila kung saan nagtun~go. Ang dalawang binatang ito ay nagkita nang gabing iyon sa liwasang Goiti.

Subali't ... ¿nasaan ang katuparan n~g pan~gakong iniwan sa kanya n~g babaeng ito? ¿Bakit walang sulat? ¿Siya kaya, si Tirso, ay magiging isa rin diyan sa m~ga lalaking nawalatan n~g dibdib at nalurayan n~g puso sa ulos n~g balaraw na walang pan~gigiming itinatarak n~g babae? ¿At si Teang kaya naman ay isa pa ring babaeng katulad n~g di iilang kabaro niya na humahalakhak lamang sa harap n~g bangkay n~g m~ga pusong kanilang pinaglalaruan?...

Pagkapanaog n~g m~ga panauhi'y saka lamang inilabas na binasa ni Tirso ang kalatas na ibinigay na lihim sa kanya n~g alila n~g kaibigang mestisa. At ganito ang natunghayan: TIRSO: Ibig mo bang makatanggap ng ilang balitang mahalaga ukol sa iyong kasaysayan?

Kung ibig mong mauwi na kaagad, ako nama'y may ibang patutun~guhan ... pan~giting pakli n~g lalaki. ¿Saan? maagamagam na tanong n~g dalaga. Susundan ko ang langkay n~g naggagandahang m~ga centro escolarina na makikilahok sa m~ga pagdiriwang n~gayong hapon ... ang pabirong sagot ni Tirso. ¿At ano? At kapag ako ay may napiling isang maganda sa lahat, ay ... hindi na ako hihiwalay.

Sinasabi n~g kalatas na yaong ang sigwa ay kay Tirso nagbuhat, ¿nababagay n~ga kayang ang makatang ito ang sumaklolo't sumagip kay Elsa? Sa laran~gan n~g pagibig, kung may nakikilalang hiwaga ang puso n~g tao, ang hiwagang umaakibat sa kapalaran n~g makatang si Tirso ay isa nang hindi karaniwan halos masasabing walang kapan~galawa sa tanang nangyayari, at kung sakali't mayroon ay bihirangbihira.

Sabay na tumawag sa pinto n~g hagdanan ni Tirso Silveira si Martinez at ang tagadalang-sulat na nagabot n~g kalatas ni Elsa. Pagkatanaw n~g makata sa tagadalang-sulat ay nakaramdam kaagad n~g biglang pagsinsin n~g pintig n~g puso, pagka't sinapantaha niyang yaon na kaipala ang sulat na pinakahihintay niyang magbubuhat kay Teang.

¡Ay, Tirso! ¡Salamat kung iyan na lamang ang iyong inaakalang dapat gawin!... At pagkasambit nito ay papiksing tumayo at umanyong nagtatampo. Elsa ... malumanay na tawag n~g makata, sasandali ang pagkakataong ito na masasamantala natin; mangyayaring sa sisipot na lamang dito't sukat ang iyong hipag, maanong kung baga't ibig mo ay magusap na tayong mahinahon.... ¿Ano pa ang kailan~gan?

Gayon na lamang ang pagkakain~gay n~g di magkamayaw na m~ga kaibigan ni Tirso sa harap n~g handog na yaong nakapananaghili. Mula sa silong hanggang sa bahay, ang panunukso'y siya na lamang inaatupag. ¡Sadyang kung sa taas n~g kapalara'y wala tayong ikaaabot kay Silveira! ang wika n~g pandak.

N~guni't sa dahilang ang pagpasok pa lamang sa Corregidor n~g sasakyang kinalululanan n~g dakilang anak n~g bayang ipagbubunyi ay ibabalita na raw n~g sipul n~g yelo, at sapagka't ayon sa m~ga pahayagan ay malamang na sa dakong gabi na ang pagahon n~g hinihintay, ay napahinuhod si Tirso sa mungkahi ni Elsang pumasok muna sila sa sine "Ideal" samantalang maagaaga pa.

Salita Ng Araw

babaho

Ang iba ay Naghahanap