United States or Djibouti ? Vote for the TOP Country of the Week !


"Ako n~ga, Tirso, ay binawian n~gayon n~g pagmamahal n~g bugtong kong kapatid, at anya'y ipinalalagay na n~g madlang taong nagtitipon sa Pandaka't nakahiging sa pangyayaring iyon, na ako raw ay isa na lamang alibughang walang puri, samantalang hindi mo inilalawit ang aking kaligtasan...."

Mangyari, ang sambot n~g mestisa, ay sa dinatnan ninyong patay sa akin ang dating kaligayahan n~g puso; at bagaman namamalas ninyong ako'y nakatawa rin, ang kaluluwa ko ay putos n~g luksa't may nilulunok na apdo n~g kadalamhatian. Ang dating tawana'y nasaksihan ni Tirso na napaltan n~g sandaling pananahimik.

Nasa m~ga bisig na n~g matanda, ay isang sigaw pa, sigaw na ubos lakas, ang narinig n~g lahat. ¿Nasaan ka, Tirso? ¡¡Tirso!!... Mabilis na tulad sa kidlat, ang tinawag na di pa natatanaw n~g nagpapagibik ay biglang nagkawala sa, pagkakapigil n~g kaakbay na mestisa at parang limbas na dumaluhong sa harap niyon, kasabay n~g tawag na: ¡Teang! Si Teang ang maysakit.

Tirso, ang pagibig na iya'y sayang lamang, kapag di mo natutuhang ilin~gap sa isang abang sawing inabot n~g sigwa sa dagat n~g buhay....

¿Diyata't hanggang sa m~ga sandaling mabin~git sa labi n~g libin~gan ang buhay ni Tirso ay si Teang din ang laman n~g diwa't katalatalamitam n~g kanyang kaluluwa? ¡Gaanong paghihinagpis na naman ang sumambilat sa puso n~g mestisang walang palad sa pagibig sa pagkarinig n~g tulang yaon na ang bawa't pantig ay busog na sumisibat sa kanyang m~ga tayn~ga!...

Asahan mong gagawin ko ang lahat n~g maaaring gawin. Salamat, Elsa. Wala kang sukat ipagpasasalamat, Tirso. Ako ang nararapat magpasalamat sa iyo, sapagka't sa di kawasa'y ... nakilala na rin n~ga yata n~g iyong puso na may isang sawing babae ritong.... Akin ang kasawian, Elsa, at sinomang babaeng nakikilala ko ay sadyang tinatangkilik n~g magandang kapalaran.

Datapwa't wala nang magagawa; nagkasubuan na. Maghintay na lamang sa pagibis n~g dalawa. Ang dilim n~g gabi ay maaari na marahil na maglin~gid sa kanila sa m~ga mata ni Tirso at ni Elsa. Nang m~ga sandaling hinihintay nina Martinez at Dr.

Kung ako lamang ang masusunod ay minamabuti ko pang maupo na lamang tayo rito at paraanin nang idaos ang pagpuputong na iyang pinagkakaguluhan n~g tao, ang wika ni Tirso. ¿Hindi kaya tayo hanapin ni Dioni? ang tanong ni Elsa. Hanapin man ba, kung hindi tayo umaalis sa pook na ito, ay di lalo pang madali tayong magkikitakita....

At si Tirso, na di naninibago sa gayong kilos at palagay n~g taga kamanunulat niya, ay gumamit noon n~g lubos na paglilihim.

Mangyayaring ang hindi pagsipot n~g sulat na ipinangako n~g boong higpit ni Teang ay magkaroon n~g kahulugang ang babaeng iya'y nagtaksil na n~ga at kusang lumimot kay Tirso; n~guni't gayon man, sa harap n~g Batas n~g katuwiran at sa ilalim n~g Katuwiran n~g batas, ang lalaking ito ay walang kakarakarapatang "bumawi n~g pan~gulugi" sa kandun~gan n~g sinomang linikhang maiiba sa babaeng sinumpaan na niyang minsan.

Salita Ng Araw

babaho

Ang iba ay Naghahanap