United States or Cabo Verde ? Vote for the TOP Country of the Week !
Napasa hagdanan namán si Ibarra, bagá man sinasabi sa canyá ni tía Isabel: ¡Huwág cang lumabás at hindi ca nacapan~gun~gumpisal, huwág cang lumabás! Ang mabait na matandang babaeng itó'y caibigang matalic n~g una n~g canyáng iná. Datapuwa't nilisan ni Ibarra ang bahay; sa pakiramdám niyá'y umiinog na lahát sa canyáng paliguid, na nawáwalâ ang canyáng tinutungtun~gan.
Cung gayó'y tingnán ninyó, ang sinabi n~g cura na hindi pinansín ang cagaspan~gan n~g asal n~g alférez; pagca nagcuculang acó n~g ganyán sa aking catungculan, maniwala cayó't may mabibigát na m~ga cadahilanan. ¿At anó pa pô? ang itinanóng n~g causap na itinátadyac ang paá sa tinútungtun~gan. ¡Huminahon cayó! Cung gayó'y ¿anó't cayó'y nagmámadali n~g mainam sa pagparito?
Salita Ng Araw