United States or Bahamas ? Vote for the TOP Country of the Week !
N~guni cun di carampatan ang mag paquita nang toua, ay gayon din naman ang mag paquita nang hapis na di tinitipid. Ang manambitan nang mahihiyao, ang ipag hampasan ang catauan, ang labnutin ang buhoc at sabayán nang ulol na sabi, ay naca tataua, lalo nang masamang masdan sa lalaqui.
Ang cabaitang di hamac na ipinaquiquita mo sa escuela, na tinitipid mo ang gaui nang cabataang mag laró sa capoua bata; ang cahinhinan nang iyong asal na di maquitaan nang cagaslaua,t, catalipandasan, mag pahangan n~gayo,i, di nalilimutan nang canitang Maestra, at sa touing masabi sa aquin, ay nagagalác ang loob co,t, nagnanásang mahouarán ang magandang caasalan mo.
Salita Ng Araw