United States or Montserrat ? Vote for the TOP Country of the Week !
At nariyan ang sa palagay namin ay isang kamalian pa hanga ngayon ng tanang manunula ngayon. Pawang matapat, halos ay bulag, at walang kapasupasubaling lingkod at alipin ng bilang ng mga pantig sa pagkakasulat. Ipinaaalipin sa Ortograpía pati ng tingig at aliw-iw ng tula, at walang kalayalaya ang lipad ng diwa at pitlag ng kaluluwa.
Si Balagtas, na di mapag-aalinlanganang sa tamis at lambing, sa tingig at aliw-iw na walang kasingsarap ng kanyang mga tula, unang utang ang kanyang ikinatangi at ipinaging Hari sa panunula, ay maraming halimbawang iniwan, upang maging saligan ng pagsusuri at pagkakaisa ng lahat.
Diyan mapaghahalatang may mga pagkakataong nagiging makapangyarihan, sa ilang pagkakataon, ang pantig ng pamimigkas" kay sa "pantig ng pagkakasulat"; at talagang ganito naman ang dapat mangyari. Diwa at kaluluwa ng tula ang tingig, ang aliw-iw. Nasa aliw-iw at tingig ang musika, na siya na rin ngang tunay na tingig at aliw-iw.