United States or French Polynesia ? Vote for the TOP Country of the Week !
Pagca nauala na ang saquit, cun minsan ang mata ay hindi pa gungmagaling na totoo; cun gayo,i, maigui hugasan cun umaga at cun gabi nang tubig na sinucaan. Ang tauong malimit magcasaquit nang gayon, ay mabuti magfuente sa isa ó sa dalauang camay. Ang isa pang gamot nang taga África sa man~ga sarisaring saquit nang mata, ay tinatapalan cun gabi nang atay na hilao nang sisiu.
Cun ang camay ay lungmilingsad at ungmaalis doon sa caniyang quinasosootan sa sico ó sa galang-galan~gan, ó cun lungmilingsad ang paa doon sa tuhod, ó cun nagcacasala ang man~ga daliri nang paa ó camay, ang guinagaua doon, ay hinihila lamang, bago patamain sa lugar ang butong nagcasala; saca tinatapalan nang bilin sa párrafo 275. Ang gagauin cun lungmingsad ang buto nang hita.
Salita Ng Araw