United States or Honduras ? Vote for the TOP Country of the Week !
Namanhic si Rizal sa General Despujol, na mangyaring makipag-usap sa canya, at pumayag namán. Ang unang ipinakiusap ni Rizal sa General Despujol ay mangyaring palabasin sa pagcábilangô ang m~ga napipiit at paowiín ang m~ga tinapon dahil sa canya, yamang siya'y naririto na at handang sumagót sa anó mang sacdal, at ipinagcaloob naman ang gayong cahilin~gan. Nagsalitaan silá n~g maluat tungcol sa bagaybagay na nauucol sa pamamahálâ n~g Filipinas. Nang mananaog na si Rizal ay siya'y tinanong n~g General Despujol: ¿Anó pô ang palatuntunang susundin n~g inyong caasalán dito sa Filipinas? Makikibagay pô ang palatuntunan n~g aking caasalán, ang malumanay na sagót ni Rizal sa caasalang gamitin n~g España sa Filipinas. Cung bíbigyan pô ang Filipinas n~g España n~g m~ga calayâan at m~ga carapatáng ucol, na siyang mithî n~g lahát n~g tagarito, acó po'y castíl