United States or Uganda ? Vote for the TOP Country of the Week !


Nangyari isáng araw, na samantalang pinagpipihitpihit niyá ang isáng papel na ibinigáy sa canyá sa isáng tindahan, at ibig niyáng málagay sa tuwíd, nagpasimuláng kinawayán ang canyáng m~ga casamahan n~g isáng batang nanasoc sa escuela, magtawá at itúro siya n~g dalirì. Naririn~gig n~g táong iyón ang m~ga tawanan, at nakikita niyáng nagsásaya ang libác sa m~ga makikibuing mukhâ n~g nan~garoroon; naubos ang canyang pagtitiis, bigláng pumihit at pinasimulâang hinagad ang m~ga batang nan~gagtacbuhan, at sumísigaw n~g "ba", "be", "bi", "bo", "bu." Pinagdimlán n~g galit, at sa pagca't hindî siya mang-abot, sa canilá'y inihalibas ang canyáng bastón, tinamaan ang isá sa úlo at nábulagtâ; n~g magcagayo'y hinandulong ang nasusubasob at pinagtatadyacán, at alín man sa nan~gagsisipanood na nanglilibac ay hindî nagcaroon n~g tapang na mamag-itan. Sa casamaang palad ay nagdaraan doon ang inyóng amá. Napoot sa nangyari, tinacbó ang maninin~gil na castil

Lumucsó ang alférez at tinititigan ang fraile sa malakíng gulat. Isáng cakilakilabot at mabuting pagcacahandang munacalang tacsíl na pangguguló, na sasambulat n~gayón ding gabí. ¡N~gayón ding gabi! ang bigláng sinabi n~g alférez, na dinaluhong ang cura; at tinacbó ang canyáng revolver at sable na nacasabit sa pader. ¿Sino ang aking daracpin?, ¿sino ang aking daracpin? ang sigáw.

Hindi cailan~gan, dapat cang humaráp na gaya n~g guinawa n~g madla n~g taóng 72, at nan~gacaligtás n~ga namán. ¡Siya n~ga! humaráp din si parì Burg.... Datapuwa't hindi natapos ang salita; tinacbó siya n~g babae at tinacpán ang canyáng bibíg.

Nagpapacabicabila ang ilang m~ga castila at pinagsasabihan ang bawa't canilang nasasalubong. Datapuwa't may nagcacabilog n~g isang pulutong. Napag-unawa ni don Filipo ang canilang adhica at canyang tinacbo upang sansalain.

Tinacbó siya ni Ibarra, hinawacan siyá sa bisig at sinabi sa canya sa wikang castila: ¡Alang-alang sa Dios! ¡gumawa po cayó n~g bahagya, sacali't may magagawa; wala po acong magawang anó man! Tila mandin siya'y nawatasan n~g piloto, sapagca't nawala siya't sinuot ang m~ga bumubuo n~g pulutong.

Salita Ng Araw

babaho

Ang iba ay Naghahanap