United States or Faroe Islands ? Vote for the TOP Country of the Week !


Samantalang ang m~ga na sa itaas n~g "escenario," ay nan~gaguúsap pa muna bago pasimulan ang pulong, ang m~ga nan~gasasaibaba nama'y walang tigil sa m~ga pagsasalitaan, pagsasalitaang nauukol na lahat sa mangyayaring labanan n~g m~ga manggagawa at mamumuhunan. Ang alin~gawn~gaw n~g salitaan ay gayon na lamang, at halos ang iba'y hindi na magkarinigan.

Wala nang pagasang ano pa man: si Leoning ay hindi niya palad, hindi kanya. Oh! pusong balot ng kasawian! Aay, palad! ang nawika ni Eduardo sa kanyang pagiisa. Diyata at natapos na ang lahat! Sa kanyang mga pangdinig ay waring nanunuot ang tunog ng batingaw ng simbahan: Oras na ng pagkakasal kay Leoning at kay Daniel. Ang batingaw ay walang tigil ng pagtunog.

Kararating laang niyá noóng umágang iyon sa báyan ng Libís. Sa walang tígil na kalalákad, siya'y sumapit sa tapát ng isáng tindahán ng álak. Lumapit. At pagkatapos na matingnán ng isang tinging-uháw ang mga boteng naggigilásan sa loob, ay sinutsután pagdaka ang may-áring si Julio at ípinahiwatig dito ang kanyang ibig.

Ang luha ko'y buhat sa di pagkataya Na ang tao'y mayrong balon n~g parusa, Ang pagsisisi ko ay bumabalisa't Bumawi sa akin n~g aking ligaya. Talagang ang tao'y sadyang walang tigil, Namali nang minsa'y ibig pang ulitin, Ang tanaw sa mundo'y mundong walang lihim At sa Dios ay Dios na di matandain.