United States or Nigeria ? Vote for the TOP Country of the Week !
Sa pagcat ang lupang cupcop n~g pagibig sa daya at pain sino mang malapit, bighani in~gatan dagdagan ang masid n~g huag macut-ya cung tica'y malinis. Puso n~g babaying dupos na himuquin sasaquian sa dagat ang naca-cahambing, cung culang bumalac may in~gat ó anquin sa dumpol n~g sinta basag ang marahil,
Cahit di pa pitas sa pagayong asal ang bun~ga n~g nais sa gunita'y nam-nam,, sa lasang pang-uili ualang agam-agam ligaya sa lan~git mandin ang namasdan. Cung oras ay buan sa busal n~g hirap. naca-casing laon sa ating pagmalas, taon quisap mata mata't masayang lumipas sa magcasing sintang sa tica'y magharap.
Nag-utos ang gayong sa magula'i lin~gid n~g capoua n~ga pusong sa tica'y nagpilit, cailan~gang ucol lihim na guinamit sa simbahang cupcop n~g Paring binanguit. At caaya-aya nan~ga n~g maganap, ang ilao n~g arao maganda ang sicat, ang azul n~g lan~git buháy at laganap, simoy pa n~g han~gin pang-uili't banayad.