United States or Kazakhstan ? Vote for the TOP Country of the Week !


Sasama siya at hindi na siya ngayon tatangkilikin ng dating asawa. Teofilo ang wika agad ni Carmen pagdating sa tahanan ng binata hwag ka nang magdalang takot. Carmen, saan naroon si mang Pepe? baka ako ay kanyang patayin? Hindi, hwag ka nang pakikita sa kanya. Baka bagabagin ang ating kalagayan? Hwag kang manganib, hindi na siya maghahabol sa akin. Ako ay natatakot?

Hindi ang puso ni Don Pepe ang makaliligaya sa kanya! Kaya sa ngayon ay walang kaligayahan si Carmen kundi ang mapasa kandungan ng kanyang kaaliwan sa puso: kay Teofilo, sa isang batangbatang kawani sa malaking samahan ng "Smith Bell & Co.," na, ang kawaning ito, na salamat at nakailag na kusa sa pagbaril ni mang Pepe.

Hindi nga! Hindi na niya maaaring sundin pa siya. Napopoot sa kanya ang lalaking yaon! Lason ngayon siya sa pangmalas ni Mang Pepe. Saan siya pupunta? Kay Teofilo? Marahil, at ang kanyang tinungo'y ang tahanan ng batang kawani. Doon siya sasama sapagka't iyan ang nakakatugon ng kanyang puso sa pagibig. Iyan ang kanyang kaligayahan, hindi si mang Pepe.

Magbubunga nga pala ang ating ginagawang pagnanakaw na iyan ng kaligayihan. Teofilo, hwag kang manganib, sa iyo ako, at hindi na sa kanya. Diyata Carmen? Oo, sa bisig mo na ako magduduyan ng panibagong kaligayahan at sa bisig mo na rin mamamalagi. Nguni't ano ang sasabihin ng mga tao kung malaman? Ano, di wala? Ay ang asawa mo? Walang kailangan sa asawang paris niya.