United States or Madagascar ? Vote for the TOP Country of the Week !


Oo n~ga Marcela't yaon ang matuid han~gang nabubuhay sa silong n~g lan~git, ang tawo'y piliting dumunong ang isip sa kapanahuna'y nang hindí maguipít. Mag-aral n~g m~ga wastong pan~gun~gusap na makakalugdan n~g kinakaharap at yaon ay isang karan~galang sangkap n~g tao kahima't nagmula sa hamak.

Iyan at iyan din ang naging dahil n~g pagkayukayok sa sala n~g sangkataohan na hindi kumilala sa utos n~g Diyos, iyan din naman ang naging sala ni Caín sa kanyang m~ga magulang at sa Diyos, sa kaibigan ni Caíng siya'y mátampok sa kapurihan, siya ang pumatay kay Abel na tunay niyang kapatid; itó ang iyong katulad na hindi mo ibig na ikaw ay tanawin sa mababang ayos; kaya't iwalay mo na sa isip mo ang pag-uugaling iyan at iyan ang mainam na gamot sa iyong bugók na utak, sa dahilang n~gayon ay nanaog na ang mesias na tumubos sa sala n~g sangkataohan taglay ang ilaw n~g kaliwagan, upang ang nadidilimang pag-iisip na gaya ni Caíng pumatay sa tunay na kapatid at kawan~gis n~g man~ga kapatid ni José Vendidong nagtakal sa tunay na kapatid ay pagliwanagan; at sa Filipinas nama'y nanaog na ang mesías na Rizal na tumubos sa sala n~g kadiliman, taglay ang m~ga aral niya upang magliwanag ang kapilipinuhan, na napakukuyumos sa mapag Apô-Apô; kaya't ang mapagpalang Gobierno Americano ay naglagdâ n~g kautusan; Bill na ang bawa't tawo'y makagágawa n~g kanyang maiibigan kailan ma't hindi sisinsay sa talatang utos, ang sino man suminsay ay may katapat na parusa; kaya't huag mong pagnasaang patayin sa gutom si Autor Hitô, sa dahilang iyan ang ipinagpapatid uhaw n~g iyong kababayan sa kanyang m~ga anak; layuan mo na ang asal Caín na ... sa nasâ mong ikaw ay magíng Consejal ay ipápahamak ang isang mag-anak; n~g masabi ni Goring ang m~ga huling salitáng ito ay nahilo si Kadiliman, siya namang pagdatal nila Bakokoy, Posotsoy at Tarorang Susô na siyang kumalga kay Kadiliman at naghatid sa kanyang bahay.

N~guni't itong tawo'y kung talagang laang sa pag-aasawa'y mapa-abáng buhay, ang mata n~g isip ay nabubulagan sa masamang palad niyang káraratnan. Masdan mo Dalmacia't siyáng nangyayari sa mapapasawing paris tang babayi, kahima't mayaman at anak sa puri sa sinta n~g dukha ay napahuhuli.

Huag maniwala ang lapok na loob na tayong linikha'y may talagang signos sapagka't ang tawo'y kung sumasa-Dios ay walang pan~gamba't hindi matatakot. Kaya n~ga sa awa niyaong Matankilik na nagpakaduk-ha ay doon manalig na pagpinagtibay ang sariling bait walang magagawa ang lilong pan~ganib.

Kun ang kahinlugang dapat magmasakít ay nananalan~ging búhay ay maligpit ang di kamag-anak ¿anong máiisip di ang daganán na n~g sangmundong sákit? At saka ang tawo'y kundí tatalikdan ang pagkakasalang kinadudumugan ay hindí malayo na tayo'y pahatdan n~g parusang walang dalang pakundan~gan.

Kaya n~ga tumpak na tumpak n~ga, sa atin ang sinabi n~g Director noon magkainan tayo sa bahay ding ito; ang sabat n~g isang kasama, na, Ang tawo'y di n~ga sukat magsasabi n~g tapos sa sinomang kapua lalaki sapagka't kung ganito n~ga ang siang mangyari kahihiyang lubha sa atin ding sarili. At nagsipagpaalam na ang lahat.

Pagkat kun ang tawo'y napapakasamá na parang bulág na ang pagaakala dalan~gin n~g lahi ay ¿manong mabiglá ang kaniyang búhay na kahiya-hiya? Na dahil sa puri n~g minulang buhat ay nan~gadadamay sa pula't paglibák kaya hinihiling n~g lahat n~g anák na siya sa mundo'y huag nang magluát.

Ako naman n~gayo'y lubós ang tiwala, pagka't siya nilang m~ga guinagawa: ang magpakahigpit, at ang pagka-awa sa kapua tawo'y walang mahalata. Ugaling kastila'y binibitiwan n~g m~ga Clerigong dito'y nan~gaiwan, batang bagong anak na pabibinyagan mag rerecargo na'y wala namang utang.

Ang sinomang tawo'y pagka't sinangkapan n~g tatlong sandatang talagang panglaban kailan ma't ito'y di mo bibitiwan ay dapat umasang ipagtatagumpay. Sapagka't kung ito'y di mo isasalong sa digma n~g mundong laláng n~g panahon ay pakaasahan na ipagtatan~gol ikaw sa lahat nang sakuna't lingatong.

Gayon din naman pag winika sa iyo pumilma ka, pipilma kaagad, pag sinabi sa iyong makipag-away, makipag-away ka naman, samantalang ikaw ay may sariling kalayaan. ¿Ang boto ba n~g isang mámamayang tawo'y gaanong halaga?