United States or Guinea-Bissau ? Vote for the TOP Country of the Week !


Nang sa haring maunaua yaóng cay don Juang uica, pinatauad alipala yaóng dalauang cuhilá. Nagsamang nuling mahusay doon sa palacio real, ang hari nag-uica naman sa tatlóng anác na hirang. Cayong tatló'i, halinhinan sa ibong co'i, magbabantay, ang magpaualáng sino man macacapalit ang búhay. Sa cahabaan nang arao nang canilang pagbabantay, di mauala sa gunam-gunam cay don Pedrong cainguitan.

Ano ang casasapitan nang umuguin ang catauan, hindi naman macagapang sa guitna nang cabunducan. Di anong magagauá pa nang di macaquilos siya, ang nasoc sa ala-ala tumauag sa Vírgeng Iná. Aniya'i, ó Vírgeng mahal anó cayang naisipan, manga capatid cong hirang at aco'i, pinag-liluhan. Ang boo cong ala-ala caming tatlo'i, tiuasáy na, mahusay na maquiquita mahal naming haring amá.

Ngayo'i, lalong mabuti pa tayong tatló'i, magsasama, at huag nating ipaquita sa mahal na haring amá. Doon nga tumahan sila tatlóng magcapatid bagá, ang tuá ay sabihin pa sa cabunducang Armenia. Ay ano'i, caguinsa-guinsa isang balón ang naquita, ibig ni don Juan bagá ang lalim mataróc niya. May lúbid nga sa ibabao ang balón nilang dinatnán, ay nag-uica si don Juan acó ay inyong talian.

Salita Ng Araw

matitimbuang

Ang iba ay Naghahanap