United States or Denmark ? Vote for the TOP Country of the Week !
Ang lahat naman n~g pista ay tatamang lahat sa araw n~g Huebes, gaya n~g Pista n~g Pagsasarili sa ika 4 n~g Hulyo; Araw n~g Pagtatagumpay sa ika 11 n~g Nobyembre; Araw n~g Pagpapasalamat at Pasko n~g Kapan~ganakan sa Mananakop. Ang ikalabing tatlong buwan namang mararagdag ay ilalagay sa pagitan n~g Inero at Pebrero, at ito'y tatawaging BUWAN NG KALAYAAN.
Kung ang bagong pagaayos sa Kalendariong ito na tatawaging Kalayaan, ay patitibayan n~g Batasang Amerikano, ang pagdidiwang natin sa ARAW NI RIZAL, ay tatama sa pangkaraniwang taon, sa ika unang araw n~g Inero, at sa tuwing ikapat na taon, ay tatama naman sa pista n~g Bagong Taon.
Sa karaniwan, ay idinagdagdag sa Pebrero; n~guni't sa bagong panukala, ay idaragdag sa pagitan n~g ika 28 n~g Disyembre at sa araw n~g Bagong Taon, at ito'y tatawaging ARAW NG PAGTUTUMPAK. Sa bagong pagayos n~g Kalendaryong ito ay di magkakaroon ang alin mang buwan n~g limáng araw n~g Linggo.
Salita Ng Araw