United States or American Samoa ? Vote for the TOP Country of the Week !
Datapoua cun ang saquit ay malaqui-laqui, at marugo ang may catauan, ay cailangang sangrahan; paiinumin nang bilin sa número 1 ó 2; paiinumin din nang bilin sa número 20, na macaapat maghapon, susumpitin nang tubig na pinaglagaan nang culutan lamang; at houag damihan ang isusumpit. Ang pouit na namamaga ay tatapalang parati nang biling sa número 9, ó nang sa número 65.
Saca ang ibang gagauin doon ay naituro co na doon sa itaas sa párrafo 31 hangang sa párrafo 40 Sa lahat na bagay, ang totoong sucat igamot dito ay ang bilin sa número 8; at pagca bagong nagcasaquit ang tauo, ay tatapalang agad nang bilin sa número 9; at cun hindi pa nauauala ang sintac, parapitan doon sa masaquit.