United States or Portugal ? Vote for the TOP Country of the Week !
Nasasalas ang man~gagsisicain, sa guitnâ n~g lubháng malalakíng m~ga salamín at na n~gagníningning na m~ga araña : at doon sa ibabaw n~g isáng tarimang pino ay may isáng mainam na "piano de cola" , na ang halaga'y camalácmalác, at lalò n~g mahalagá n~g gabíng itó, sa pagca't sino ma'y walang tumútugtog.
Sa isáng dúlo n~g salas na napapapamutihan n~g maruruming m~ga "cortinang" pulá, natatagò ang larawan n~g hári, na nacasábit sa pader, nacapatong sa isáng tarímang cáhoy ang isáng lúmang sillóng nacabucá ang canyáng wasác na m~ga brazo; sa harapa'y may isáng malakíng mesang cáhoy na narurun~gisan n~g tinta na may m~ga úkit na m~ga salitâ at m~ga únang letra n~g pan~galan cawan~gis n~g marami sa m~ga mesa sa m~ga tindahan n~g álac at cerveza sa Alemania, na caraniwang paroonan n~g m~ga estudiante.
Salita Ng Araw