United States or Solomon Islands ? Vote for the TOP Country of the Week !
Nang mahalata kong hindi ka makapangusap, ako'y nagpatuloy sa aking pananalita: isinaysay ko ang napagsapit ng dalisay na pagiibigan ni Bitwin at ni Tarik, ayon sa aking nabasang argumento ng Sandugo at pagkatapos ay ipinahayag ko naman ang damdaming tumubo sa aking puso mula nang tayo'y bata pa at itinanong ko sa iyo kung yao'y pag-ibig na.
Hindi mo ba naaalaala ang tugtuging iyan? ang tanong ko sa iyo. ¿Hindi ba iyan ang "Sandugo"? ang balik mo naman sa akin. Iyan nga ang masaya kong pakli at ¿hindi kaya natin sapitin ang naging hangga ng pagiibigan ni Tarik at ni Bitwin?
Salita Ng Araw
Ang iba ay Naghahanap