United States or Finland ? Vote for the TOP Country of the Week !
Ang madlang inin~gat tan~gang cailan~gan n~g Capangyarihan ualang caya't culang, nabibirong lahat n~g dapat gumalang hindi man~gadala cahit marapatan. N~g tauo ay gauang liban~gan ang quintab n~g cani caniyang patalim na sacbat, pamuting malupit sa alin mang lacad, sa tuluga'y bantay at tangulang hagap.
Ang buntong hinin~ga na lubhang malalim siyang unang bati't, aniya, n~g magturing, "¡ó Dios co! ¿nasaan? at ¿sinong lumihim yumacap sa aba't hindi na naglining?" Boong sapantaha sa cania'y may yacap yaong Paring caniyang tangulang may atas, aniya, "Padre ¿ito ang loob mong uagas sa aquing Romeong catoto mong tapat?"
Ang matang namugto sa casi linin~gap para bagang tulong sa anyo ang han~gad, n~gunit ang puluhan n~g dagang may pilac in~gat ni Romeo namasdang cumislap. Binunot n~g touá't linapit sa tin~gin aniya, "icao dagang tangulang cong daing, capagcaquita na salamat ang hayin lalo cung madaling idamay sa guilio"