United States or Marshall Islands ? Vote for the TOP Country of the Week !


Wala na nga namang napakatamis sa damdamin paris ng nasa sarili. Bagama't noong una ay halos mapalundag siya sa katuwaan sa pagsapit ng Maynila, ay nang nalalaon na ay dinalaw rin ang kanyang puso ng pagkalungkot. Para sa kanya ay wala ring halaga ang maririkit na tanawin na kanyang nakikita sa Maynila, paris ng makita niya ang kanyang kasintahan.

Ang mga tanawin ay sadyang, nakasasabik pagmalasin na para bang ang isang bayang may sapot na ulap ng pagkabusabus ay di pinakikitaan sa mula't mula pa ng kalikasan ng ganito. Waring ang lahat ay tulad ng bulaklak na sariwang nagkakasiya sa patak ng hamog ng isang gabing yaong lipos ng tulain at pangarap sa mga pusong uhaw sa katamisan ng malayang buhay.

Kay palad na pusong magkakaisang bayan at di na paris ng dating ang kanilang pagkakalayo ay napapagitanan ng malalawak na kaparangan, matatarik na bundok at mahahabang tanawin! Sa tapat ng isa sa mga restaurant sa daang Juan Luna, sa pook ng Tundo, ay nagsilunsad mula sa isang auto ang tatlong binata at doo'y nagsitungga ng serbesa. Sila ay sina Jose, Pako at Eduardo.

Sia'y uliran na, na dapat gawin ni Ambo at n~g m~ga iba dian na talagang tamad, kaya naman pinarusahan siya doon sa initan at pagsasabi nito ay gawari hinanap si Ambo, n~guni't n~g tanawin ay wala na at sa hiya ay nagpatuloy na umuwi sa kanilang bahay. Namalayan n~ga't pinaghanapanan n~g lahat si Ambo ay wala n~ga sa bukid.