United States or Iran ? Vote for the TOP Country of the Week !


At pagcagabi n~ga lubha n~g tahimic, tinun~go ang daan at cusang lumapit sa tinitirahang bahay na maliit dalauang mag-ina na cahapis hapis. Saca sinusuhan ang apat na suloc, ano pa't sa apoy sila ay mabalot, ang batang babaye'y sa laqui n~g tacot taas n~g bintana'y nilucso't nilusob.

Cun ang pulso,i, matigas ó malambot . Cun siya,i, malacas ó cun mahina na. Cun siya,i, parating higa, ó cun nacacaban~gon. Cun nag-iibang parati ang caniyang pagcaramdam. Cun siya,i, tahimic ó cun hindi mapalagay. Cun siya,i, naguiguinao ó hindi. Cun ang balat ay tuyo,t, mainit. Cun ang balat nang cataua,i, namumula, ó namumutla, ó dilao, ó morado.

Sa buhay na ito,i, itinutulot mo sambahi,t, igalang ang sucaba,t, lilo; saca sa cabila naman ibubunto ang tanang pahirap doon sa infierno. Ang tapat na loob pinapag-titiis sa balat nang lupa nang dalita,t, saquit, saca puputun~gan sa bayang tahimic nang coronang ualang sucat macauan~gis.

Ito'y bugtong lamang caya ang paglin~gap masintang magulang ualang munting cupas, di pa bumahagui tanang dagling lipas piguing na alin ma't sa tahimic lágac; N~gunit sa piguing n~g gabing tadhana panaho'y ucol nang lumahoc na cusa, sa ugaling umpoc carampata't biayaya n~g balat n~g lupa't sa tauo'y adhica;

Madilim ang gabí: tahimic na tumutulog ang m~ga namamayan; ang m~ga familiang nag-alaala sa m~ga namatay na'y tumulog na n~g boong capanatagán at capayapaan n~g loob: nan~gagdasál na silá n~g tatlóng bahagui n~g rosario na may m~ga "requiem", ang pagsisiyám sa m~ga cálolowa at nan~gagpanín~gas n~g maraming candilang pagkít sa haráp n~g m~ga mahál na larawan.

N~gayo'y magsihimpil n~g lubhang tahimic iniyo't iniyong bahay sa tacot humilig sa acmang parusa n~g catouirang titic at man~gagcaisa n~g laman at isip." Sa marin~gig ito sabay nagsisabog cabig na dumalo't iba pang lumahoc, ang m~ga utusan? nagpunong sigalot, Benvolio't Tibaldo saca nagsisunod;

Ay ano'i, nang lumalim na hating gabing tahimic na, pinalabas nang princesa carunungang ingat niya. Oras ding yao'i, napatag itong bundóc na mataas, isinabog niyang lahat ang trigong caniyang hauac. Ang isang catacá-tacá, lacás nang májica blanca, bagong isinasabog pa oras ding yao'i, namunga. Nang oras ding yao'i, agád itong trigo ay guinapas, maraming umaalagád oras ding yao'i, nalugas.

Sa lalaqui di ucol din naman ang magmariquit nang labis sa caniyang catauan at sa pamamahay; sapagca,t ipaghihirap nang asaua,t, anac. Ang icalabing apat na cahingian ay ang babaye ay tahimic at matiisin. Ang mundó ay bayan nang dálita, na may hirap na titiisin sa magulang, may asaua,t, sa anac at dilang casambaháy.

Manaa ang isa pang pinagcacaquilalanan n~g cahusayan ó caguluhan n~g pulso, ayon sa aral ni Solano na médicong castilang marunong na totoo sa una. Cun mula sa isang paghin~ga nang tauong ualang saquit at tahimic ang lagay hangan sa ungmuuli yaong isang paghin~ga, tunmitiboc ang pulso nang macaapat; ay totoong galing at husay.

¿Tahímic bagá cayâ ang dagâtan? ¿Inaacála bagá ninyóng magcacaroon tayo n~g mabuting panahón? ang tanóng n~g m~ga iná. ¡Huwág sana cayóng maligalig, m~ga guinoong babae, mabuti acóng luman~góy! ang sagót namán n~g isáng binátang payát at matangcád. ¡Dápat sanang tayo'y nagsimbá múna! ang buntóng-hinin~ ni tía Isabel na pinagduduop ang camáy.

Salita Ng Araw

matitimbuang

Ang iba ay Naghahanap