United States or Liechtenstein ? Vote for the TOP Country of the Week !
Paanong kakandilihin ko sa ginaw ng taginaw ang mga nanginginig na sangkap namin ng katawan? At inisip kong: Ako'y namamatay sa ginaw at gutom at naito na dumaraan ang taong ito na ang iniisip lamang ay ang kanyang kailangan at di matutuhan ang ako'y saklolohan. Nakita ako ng nagdaraan, nagkunot ng noo, nag-anyong marahas at nagpatuloy ng paglakad ... Nawalan ako ng pag-asa.
Sa halagang walong rublo ay makabibili na ng isang mabuting balabal; hindi kabutihan, nguni't may kaigihan na. Totoong nagbata kami ng taginaw na iri dini sa iisang balabal. Hindi makapaglaba sa ilog ng wala niyan, at eto, upang makalakad ay dinala ang aking suot. Hindi ako makapanaog ng ganiri!... Pagkaluwat! Naparaan ba kaya sa tindahan ng alak?
Saka, ng maitindig niya, ay kanyang pinagsalitaang: Ano, kapatid! Hala, gumalaw ka ng kaunti. Ikaw ay magpainit. Huwag na tayong magluwat dito. Tayo na. Nguni't ang lalaki ay nakatayo pa, di umiimik, malugod na minamasdan ni Semel; di makapagbigkas ng isa man lamang salita. Anong nangyayari sa iyo? Bakit di ka magsalita? Hindi maaaring magparaan tayo ng taginaw rito.
Salita Ng Araw