United States or Eritrea ? Vote for the TOP Country of the Week !


Ang lugal na pinagpupulun~gan n~g Tanun~gan ay lubhang cagalangalang para rin n~g sa Kapisanan at ang m~ga Apo ay di mapaquiquialaman sa canilang m~ga caisipan gaya n~g m~ga Tagatayó. Ang m~ga pulong n~g Tanun~gan ay hayag din at upang magcaroon n~g bagsic ang caniyang m~ga tadhana ay cailan~gang maharap ang dalauang icatlong bahagui man lamang n~g m~ga Apo.

Cun mamatay ó di macacaya ang alin man sa m~ga Tagatayó ay dadayo at haharap sa Kapisanan ang m~ga nagcaroon n~g mababang bilang n~g botos sa m~ga napili, cun umabot sa mahiguit sa calahati at cun hindi ay mas gagaua n~g bagong paghahalal sa paraang nasabi na.

Ang catungculan nang Tagatayo ay siyang lalong maran~gal sa lahat na mahahan~gad n~g taga rito sa Pilipinas, sa pagca't ang caniyang capangyarihan ay lubhang mataas at pinaquiquinang n~g di mayabang na urian n~g suyo sa bayan.

Ang katungculang Apo ay casing tagal n~g sa Tagatayó, at itong dalauang catungculan ay di mapipisan sa isang tauo at di rin malalangcapan n~g ano mang capangyarihan sa pagpaparusa sa tauong bayan. ICALIMANG CASAYSAYAN. Tungcol sa man~ga Sanguniang cabayanan at Sanguniang bayan .

Ang man~ga pulong ay hayagan at hindi macapagpupulong nang lihim cundi mapagquilalang yao'y cailan~gan. Ang panahon nang pagcacabucas ay mapalalaon n~guni't catagalán na ang isa pang buan, una cung yao'y hin~gin nang Presidente nang República at icalaua cung yao'y mapagquilalang cailan~gan nang dalauang icatlong bahagui nang m~ga Tagatayó.

Ang patungtun~gang dapat alinsunurin sa paglalagay n~g Tagatayo sa bayan ay ang dami n~g man~ga umaambag na may carapatan, at n~g matanto ito ay ipacacana n~g Pamunoang Tagapagban~gon, caracaracang matamó ang tagumpay at quilanlin ang casarinlan n~g Pilipinas, ang paggaua sa madaling panahon n~g isang Censo ó Talaan n~g man~ga mamamayan, at tuloy ipahahayag ang man~ga tagubiling quinacailan~gan n~g huag magculang at mamali.

Ang m~ga Paniualaang ito ay siyang magbibigay saysay quinabucasan tungcol sa cayarian ó caculan~gan nang naturang m~ga salin at siyang magmamacaalam na ualang pucnat sa m~ga paghahandang gagauin, han~gan mapasiya at pagcaisahan nang marami ang m~ga iban~gong usapan tungcol sa cayarian nang m~ga salin at calagayan nang m~ga Tagatayó. bago lumampás ang sampong arao.

Ang alin mang Tagatayó ay macapaghaharap sa Kapisanan nang ano mang panucala nang cautusan, cailan ma't ito'y gauin sa sulat; at cun ipahayag nang Kapisanan na yao'y marapat pagpulun~gan at pagnoynoyin ay bibiguian n~g salin ang Tanun~gan upang paglini~gin nitó. Hindi mapagbobotosan sa Kapisanan ang ano mang panucala, cun hindi maquita muna ang man~ga pinag usapan sa Tanun~gan.