United States or French Southern Territories ? Vote for the TOP Country of the Week !
Diyata don Juan aniya hindi mo naquiquilala, itong mahal na princesa siya mong casamasama. Nang icao ay pag-utusan nang hari niyang magulang, tibaguin ang cabunducan ang trigo ay ibinigay. Di niyon ding gabí bagá itong trigo ay namunga, guinauang tinapay niya sa palacio ay dinalá. Cun hindi naalaman mo guinauáng bien sa iyó, ang suplina sa camay co madurog sa catauán mo.
At humingi naman dito nang isang malaquing frasco, na may lamáng tubig ito may negrita at negrito. At isang corong músico ang hiningi naman dito, di naman maquiquita mo ang tumutogtóg na tauo. Ang isang catacá-tacá sa laróng palabás niya, ay may hauac na suplina ang mariquit na negrita. Siya ngang pag-uinica na ang músico'i, tugtuguin na, at magsayáo ang dalauá na negrito at negrita.
Salita Ng Araw