United States or Martinique ? Vote for the TOP Country of the Week !
Sa bayan, ¡oh, sa bayan! nororoon ang ligaya, doo'y masayang lahat ang tao; nguni't dito dito sa bukid ay bihira ang tao mong makikita na hindi dumadaing sa sungit ng palad na nagtataboy sa kanila sa kabundukan upang doo'y humanap ng ikabubuhay at sa gabi ay wala kang mapapakinggan kundi huni lamang ng libo-libong kulilig. Makaraan ang ilang araw ay nilisan namin ang bukid.
At, ang binata ay waring nawalan ng diwa, hindi niya akalain na mababasa niya ang gayong balita. Kay sungit na palad nga naman ng kanya ngayon! Diyata at wala na nga ang lahat? Totoo nga pala ang mga balitang yaong kanyang nangarinig. Makikipagisang puso si Leonora. Kay pait na dilidilihin ng mga balitang ito! Kay saklap nga naman, wala na, wala na siyang pagasa, sadyang natapos na ang lahat.