United States or China ? Vote for the TOP Country of the Week !
Ang lahat na catungculang hindi ihalal n~g bayan, cahit ano ang uri at gaano man ang halaga ay dadaaning lahat sa sungcaran, upang mahirang ang lalong marapat, at ang matayó doon ay di mapupuing n~g pagayon lamang. Ang matatan~gi lamang dito ay ang m~ga Kagauad nang Pamunoan at ang m~ga Punongcabayanan at Punongbayan na ipalalagay n~g Presidente, n~guni't sa paraang nabibilin sa Panucalang itó.
Ang man~ga Katungculang ito ay maguiguing isang tan~ging hanap-buhay gaya naman n~g sa man~ga Hocom at sandatahan, at ualang macapapasoc dito cundi magdaan muna sa sungcaran, maguing sa hagdang mataas na buhat sa baitang n~g man~ga Katulong na paitaas, maguing sa mababa na quinalalagyan n~g man~ga manunulat at iba pang alagad na quinacailan~gan sa baua't sánayan.
Ualang maguiguing dahil n~g pagtaas dito sa dalauang hagdan cundi ang catagalan at ang man~ga tan~ging paglilingcod na gauin n~g may Katungculan, cun yao'y mapatotohanan at marapatin n~g Tanun~gan. Upang macalipat mulá sa mababa tun~go sa mataas na hagdan ay cailan~gan ding magdaan sa sungcaran.
Salita Ng Araw