United States or Timor-Leste ? Vote for the TOP Country of the Week !
Wala n~g luhang tumutulò sa aking m~ga matá, sampu niyang mapait na yaman n~g ating panin~gin na wari'y nagpapaginhawa n~g kaunti kung dumaloy ay nagkait na sa aking kapighatian, sapagka't sa dalawang araw na itinan~gis ay natuyo na mandin, ¡Gaano ang sising bumukal sa aking bibíg, sa dahiláng ako'y hindi pa malakí! ¡Higantí at higantí ang sumusulak sa aking dibdib!
Mabilis na gaya n~g isang nakasisilaw na kidlat, ay kagyat na nagdaan sa papawirin n~g alaala ni Tirso ang larawang mistula n~g kanyang kabiyak n~g dibdib na hindi niya matulusan kung saan naroroon. ¡Teang! ... ang naibulong na lamang sa sarili. Datapwa, ang paglalatang n~g budhi n~g mestisa ay patuloy na walang untoluntol, sumusulak na tubig na nahahandang mamayani sa kanyang maaaring lakumin.
Salita Ng Araw