United States or Niger ? Vote for the TOP Country of the Week !
¿Totoo nga kayang ang paghihigpit ng iyong ama ang naging dahilan ng hindi mo pagkadalaw sa akin? ¿Hindi kaya totoo ang nabalitaan kong si Enchay na kababata natin, ang nagbawal sa iyo? Huwag kang magkaila at ipakikita ko sa iyo ang katunayan na si Enchay nga; huwag kang sumumpa at baka ka mapahiya sa dakong huli. Kaylan ko natanggap ang balitang iyon at sino ang naghatid sa akin?
Nguni't, oh palad! Naghihimutok ang kanyang damdamin sapagka't buo na ang kanyang pananalig na siya ay nilimot ng kanyang irog, ng kanyang minamahal ng higit sa buhay: si Eduardo. Sadyang si Leoning ay isang dalagang uliran sa pagibig. Minsan lamang kung sumumpa sapagka't siya ay may dangal at may puri. Ngayon ay nadadama niya ang hirap ng isang umiibig na nalalayo sa piling ng kanyang kasintahan.
Ang bawa't pangungusap ni Leoning ay di pinangangawitang basahin. Minsan ... makalawa ... makaitlo ... Kung tinititigan niya ang sulat mula sa binibini ay waring siya'y nakikipagusap. Anong tamis nga namang magmahal ni Leoning! Si Leoning ay isang binibining katutubo ang kayumian. Ang kanyang puso ay minsan lamang kung sumumpa sa kanyang iniirog, bukod sa maganda at mabait.