United States or Switzerland ? Vote for the TOP Country of the Week !
49.= Kailan pa inusig ang m~ga mason?= Ang masikhay na paguusig sa kanila, ay masasabing nagsimula noong taong 1892 at sumidhi n~g mapatatag na ang "Katipunan" at si Bonifacio'y walang humpay sa pagpapalaganap n~g kanyang samahan. Paano'y alam n~g pamahalaang kastila't n~g m~ga "fraile" na si Bonifacio'y "mason," bukod sa ang layunin at m~ga ipinupunla n~g "Katipunan," ay huwad sa "Masoneria."