United States or Eritrea ? Vote for the TOP Country of the Week !
Cun mayroong lagnat, nan~gan~galigquig muna ang maysaquit; hungmahalili ang lagnat na malaqui, at ang saquit nang ulo; mainit ang pagcaramdam, at ang pulso,i, matigas; sa icalaua, ó sa icatlong arao, mayroong sungmasaquit na casucasuan na di maiquilos yaong casangcapang nasasactan, na namumula cun minsan at namamaga. Ang tuhod ang marahil sumaquit, at cun minsan ang dalaua,i, nagsasabay.
Guiniguinao muna ang maysaquit, hungmahalili ang lagnat, ang pag-uubo, ang casiquipan nang dibdib; ang pagsaquit nang ulo, at ang bahag-ya na macahin~ga ang maysaquit; ang marahil idaing nang pinipleuresía ay ang matigas na saquit nang man~ga taguiliran nang dibdib sa ilalim nang susó, at ang canang taguiliran ang malimit sumaquit; cun minsan nama,i, alin mang lugar nang dibdib ay sungmasaquit.